𝙏𝙖𝙜𝙨: 𝘼𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣. 𝙍𝙤𝙢𝙖𝙣𝙘𝙚. 𝙃𝙞𝙨𝙩𝙤𝙧𝙞𝙘𝙖𝙡 𝙁𝙞𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣. HOHA Volume I: Ang Tagapagmana Si Francisco ay isang tagapagmana ng tahanang De Silva, isa sa makapangyarihang angkan sa bayan ng Encina. Pinunan niya ang pamunuan pansamantala sa paglisan ng ama. Sa kaniyang paglalayag sa alon ng bagong mundo, tatangayin siya ng hangin sa mga tagpong kailangan niyang mapagtagumpayan. Mga mukha ng katotohanan na kailangan niyang harapin maging ang nanunugis niyang madilim na nakaraan na hanggang ngayon ay ayaw siyang tantanan. Upang ilayo ang mga mahal sa buhay sa panganib, ano ang magagawa ng isang bagitong pinuno? Handa na ba siyang maging isang liwanag ng angkang De Silva, o bagay lamang siya sa gitna ng sigwa? 2023